KAHATING-KALULUWA

sigurado akong kilala kita.
siguro'y nagtagpong minsan
ang mga gumagalang mata,
at ito'y isang alaalang
libong-siglo ang
inukit sa gunita.

siguro'y nakatalik ka nang minsan,
sa isang malayong lugar at panahon.
mga petsa't bayan na di
kasing importante ng alaala mo.

nakalaro na marahil kita ng dama.

- pao
nonstandardized.com